"Hoy gising ka na tanghali na!" sigaw mo sa kanya kasabay ng medyo malakas na pagtapik sa pisngi nya.
Galing ka sa trabaho at dumaan ka sa bahay niya para kopyahin ang files na naka-save sa computer nya. Pagdating mo ay tulog pa siya gaya ng inaasahan. Kabisado mo na ang kaibigan at alam mong madaling-araw na siya kung matulog dahil nagkikipagchat pa ito.
"Hoy, gising, gising, gising!" pangungulit mo sa kanya habang niyuyundak ang kama niya.

Bahagya niyang idinilat ang mata upang silipin kung sino ang nang-aabala sa payapa niyang pagtulog. Nang makita ka niya ay napangiti na lang siya. Hindi siya pwedeng magreklamo dahil masasaktan lang siya. Hahaha! Sanay na siya na binubulabog mo siya sa umaga pagkagaling mo sa trabaho. Naging parte na kasi ng routine mo na puntahan siya sa bahay para makisilip sa laman ng pc nya.
"Ang aga naman ng bwisit sa buhay ko!" pag-aasar niya sa inaantok pang boses.
"Bwisit ka jan! Talagang bwi-bwisitin kita pag di ka pa bumangon jan! Tara na tayo ka na!" sabi mo sabay hila sa magkabilang kamay niya.
"E antok pa ko e. Tinatamad pa ako." sabi niya habang nagpapabigat para lalo mo siyang hindi mahila. Medyo maskulado pa naman ang siya dahil alaga sa workout ang katawan.
"Sige na, tayo ka na... please... Kokopyahin ko lang yung ni-save ko na files last week." kulit mo sa kanya, this time may halong lambing.

Sa totoo lang, hindi mo na siya kailangan gisingin para makopya ang mga kailangan mong files. May sarili kang setting sa pc niya at alam mo din naman ang password ng account nya. Gusto mo lang talaga siyang kulitin. Bisyo mo na kasi iyon.
"Alam mo ikaw, kung hindi ka lang cute, matagal na kita itinali ng patiwarik!" sabi niya habang natatawa sa pagpapacute mo.
"So inaamin mo na na cute ako?" tanong mo habang lalong pinapaganda ang pagsmile.

"Haha! Cute ka nga! Mukha kang trolly." pang-aasar niya kasabay ng malakas na tawa.
"Leche! Sige na nga matulog ka na lang dyan! Panget!" sabi mo habang natatawang tumalikod sa kanya at naglakad patungo sa computer nya.
Hindi ka naman napipikon sa pang-aasar pero nagpagdesisyunan mo na hayaan na lang siyang matulog. Malamang kasi ay wala pang limang oras ang pahinga nya.
"Haha, talo ka ngayon paano ba yan? Haha! Mas makulit ako ngayon." sabi nya na nang-aasar pa rin, pagkatapos ay nagtalukbong na ito ng kumot.
Pag-upo mo sa pc ay muli kang mapasulyap sa kaibigan na natatakpan ngayon ang buong katawan ng kumot na galing din sa iyo. Napangiti ka na lang dahil alam mong maya-maya ay hindi siya makakatiis at babangon din.
Pagbukas mo ng pc, picture ninyong dalawa ang wallpaper. Napangiti ka na naman. Naisip mo na bagay pala kayo. Pero naisip mo, hindi pala pwede yun kasi magkaibigan kayo...
*itutuloy*

September 29, 2004 09:04 PM PDT
hahaha! fiction...
September 29, 2004 07:46 PM PDT
alam ko na ending nyan! mamamatay pareho ung magbestfriend! wahahah! :D
September 29, 2004 12:51 PM PDT
nakakabitin naman bakit hindi wakasan pag magkwento ka puro itutuloy parang komiks lol... mukhang inspired ka yata?
September 29, 2004 07:07 AM PDT
wow! bitin! why can't it be the two of us? why can't we be lovers? only friends.....