Made in the Philippines. Do not machine wash.
devirginized
2004.10.02 11:24 pm

Kanina nangyari ang lahat, una kinakabahan ako, parang ayoko na ituloy ang binabalak niya. Natatakot kasi ako sa mga posibleng mangyari. Nangangamba ako na masasaktan ako. Pero dahil wala nang pagkakataon para umatras kung kaya’t nagpaubaya na lang ako.

 

Hindi naman pala masyadong masakit. Wala ring dugo. Hindi lang kumportable ang pakiramdam na may kakaibang bagay na nakapasok at tila kumikilos sa aking katawan. Ipinikit ko ang aking mga mata upang damhin ang bawat galaw. Ninamnam ko ang sensasyong dulot mo sa aking pakiramdam.

 

Nang idilat ko ang aking mata, napangiti na lamang ako. Unti-unting luminaw sa akin ang lahat. Nagpagtanto kong hindi ako nagkamali ng desisyon. Ramdam na ramdam ko ang epekto mo sa aking pagkatao. Hindi ko pinagsisisihan na sinubukan ko ito, dahil nararamdaman ko ang ligayang dulot mo sa aking puso at katawan.

 

Ngayon, nawala na ang aking pangamba na subukan ito ng paulit-ulit. Alam kong hahanap-hanapin ka ng aking katawan. Mula sa araw na ito, magiging parte ka na ng buhay ko... Maraming salamat.

---

Siya po ang may kasalanan ng lahat:



Ito ang naging resulta:



Paalam na sa iyo kaibigan, hanggang sa muling pagkikita:


bututoy
June 22, 2005   06:04 PM PDT
 
anu bng espasyo meron s itim
na bahagi ng iyung salamin?
sna mlmn dn ng lht s klwangn...
netnok
March 17, 2005   09:15 PM PST
 
mas masarap kung dilaan mo muna bago mo ipasok ;>
-=* shards *=-
January 16, 2005   08:02 AM PST
 
astig sa title. i read it for another reason, although after reading it, tama nga naman yung mga sinulat mo. ako lang pala yung green-minded. wahahaha! u rock!
resty
October 6, 2004   12:18 PM PDT
 
ok sa title! di ka wholesome ah hehe =)
iya
October 5, 2004   03:25 AM PDT
 
nyuk nyuk nyuk!!! kuhlet mo gurl! XD
marlon
October 4, 2004   03:14 PM PDT
 
walanghiya, kala ko kung ano.
mukhang kulang ang pagde-detoxify ko sa sarili ko, kung saan saan napupunta yung imahinasyon ko :P
Blaise
October 4, 2004   02:08 PM PDT
 
nyahahahha ang dumi ng pag-iisip ko...hahahh
zee rocks
October 4, 2004   12:22 PM PDT
 
heheh..kala ko kung ano na wehehe...sanayan lang yan!
meann
October 4, 2004   12:56 AM PDT
 
wahhh bago lang yan dar! ngaun lang ako nagsuot ng contax... perstaym! hahaha!
franz
October 3, 2004   11:37 PM PDT
 
alam mo ba ako, sanay na sanay na! di na masakit! paulit ulit na itong ipinasok sakin.. wala nang pakiramdam. wala akong magagawa. kailangan ko to para mabuhay..

hahaha!

next tme, try ko ung may kulay. :D
rad-x
October 3, 2004   11:31 PM PDT
 
naka meann!!! yan na naman imahinasyon mo!!! teka matagal na yang nakade-V sa yo na yan a? y told the story just now?
at aba, tasting-tastee ang bago mong 'ney a!!! wehehe dinilaan ko ung monitor...
ng belat =)
anepotz
October 3, 2004   10:46 PM PDT
 
hehehehe.. kala ko kung ano..

bomalabs mata ko pero nagtitiis ako. ayoko kase magsalamin, lalong ayoko ng contact lens. minsan, as in nakadikit na sa mukha ko ang binabasa ko.

miss na kita! mwah!
  |||




Previous Entry Home Next Entry



twenty-five • tarbak addict • kaliwete • laging inlove • makulit • mataray • selosa daw • demanding daw • mabait na anak at ate • pasaway na gelpren • tahimik pag tulog • mahiyain pag tulog din • laging tulog • laging gutom • feeling sexy • pero tababuy • hindi matangkad • malapad ang noo • pero kyut pa din

Blogdrive